Pamumuno sa Ministeryo
Pamumuno sa Ministeryo

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Lesson 13: Pagbuo ng mga Pinuno

17 min read

by Stephen Gibson


Pag-aaral upang maging nangungunang Pinuno

Maraming mga pinuno ang may impluwensya batay sa kanilang personal na charisma, na hindi umaabot ng higit sa kanilang presensya. Personal nilang ginagabayan ang lahat ng nangyayari sa organisasyon. Hindi sila nagkakaroon ng isang istraktura ng pamumuno at tila hindi sila makakalap ng mga pinunong susuporta sa ibinahaging layunin. Minsan ay para silang malakas na pinuno sapagkat mayroon silang ganoong kontrol sa kanilang organisasyon, ngunit ang kanilang samahan ay hindi maaaring lumago ng lampas sa isang tiyak na punto.

Ang isang organisasyon ay hindi umuunlad maliban kung ang mga pinuno nito ay umuunlad. Ang isang organisasyon ay umaabot sa mga hangganan nito kapag naabot ng mga namumuno ang kanilang mga limitasyon. Hindi makakayanang lagpasan ng organisasyon ang kanyang mga limitasyon maliban kung makahanap ng paraan ang mga pinuno upang mapaunlad ang kanilang mga sarili.

Ang isang batang pinuno ay nagkamit ng kapangyarihan sa isang bansa. Nais niyang magkaroon ng ganap na kapangyarihan at tiyakin na walang nakikipagkumpitensya sa kanya. Upang malaman kung paano ito gagawin, binisita niya ang isang matandang pinuno na naging diktador sa isang bansa sa loob ng mahabang panahon. Itinanong niya, “Paano mo matitiyak na walang iba na kukuha ng iyong kapangyarihan?” Magkasama silang naglalakad sa isang lupain kung saan ay may tumutubong mga damo. Ang matandang diktador ay may tungkod, at habang nilalakaran nila ang mga damo, itinumba ng diktador ang pinakamatataas na damo. Pagkalipas ng ilang minuto matapos mapanuod ito, sinabi ng batang pinuno na, “Naiintindihan ko.”

May mga pinuno ay hindi nagnanais ng mga makakatulong na may ideya at kakayahan sa pamumuno. Gusto lamang nila ang mga taong susunod sa kanilang mga direksyon.

Ang mga pinunong naglilingkod sa kanilang sarili lamang na lulong sa kapangyarihan, pagkilala, at takot na mawala sa posisyon ay malamang na hindi gumugugol ng anumang oras o pagsisikap upang sanayin ang papalit sa kanila.[1]

Ang mga pinunong ito ay lumilikha ng isang kapaligiran kung saan ang mga bagong pinuno ay hindi naihanda o napaunlad. Mayroon lamang isang pinuno at kanyang mga katulong. Ang organisasyon ay hindi bumuo ng mga departamento at programa na mangangailangan ng karagdagang pinuno. Ang mga kabataan na may malakas na kakayahan sa pamumuno ay karaniwang umaalis sa organisasyon upang maghanap ng isang lugar na may mga oportunidad.

Ang mga bagong pinuno ay kinakailangan para sa dalawang layunin: (1) upang ihanda para sa mga posisyon sa pamumuno sa hinaharap at (2) upang mapalawak ang organisasyon.

Si Herod, the Great na hinirang ng mga Romano ay namuno sa Judea. Hindi siya isang Hudyo, at karamihan sa mga tao sa bansa ay ayaw siyang maging pinuno. Palagi siyang naghihinala na sinisikap ng mga tao na alisin siya sa pagiging hari. Pinatay niya ang ilan sa kanyang mga asawa at anak na lalaki sapagkat pinaghihinalaan niya sila. Hindi niya sinanay ang sinuman upang pumalit sa kanya. Matapos siyang mamatay, ang kanyang anak ay naging hari ngunit hindi niya magawa nang maayos ang trabaho at tinanggal siya ng mga Romano. Naglagay ng bagong gobernador ang mga Romano para mamahala sa Judea, at wala nang ibang naging hari ang Judea.

Ang panandaliang tagumpay na walang tagapagmana ay pangmatagalang kabiguan. Kung ang isang organisasyon ay hindi nagpatuloy na makagawa ng maayos matapos ang termino ng isang pinuno, hindi niya ganap na natupad ang kanyang responsibilidad.

Ang isang tao ay naihahanda para sa isang mataas na posisyon ng pamumuno hindi lamang sa pamamagitan ng pagtulong sa nangungunang pinuno, kundi maging sa pamamagitan ng paglilingkod bilang isang pinuno. Ang nangungunang pinuno ay dapat na handang magkaroon sa samahan ng tinuturuang pinuno: mga pinuno na may mga ideya, kumikilos, at gumagawa ng mga desisyon.

Ang mga bagong pinuno ay dapat ding tinuturuan para sa paglago ng organisasyon. Ang isang organisasyon ay hindi makakabuo ng mga bagong programa o mapapalawak ito nang walang karagdagang mga pinuno.

[2]Mahalaga na magkaroon ng mga pagkakataon para sa mga potensyal na pinuno. Kung ang isang organisasyon ay may ilan lamang na posisyon sa pamumuno at hindi na makapagdagdag, hindi nito magagawang magpalawak at hindi mapapanatili ang mga potensyal na pinuno. Halimbawa, ang isang malusog na iglesia ay may mga miyembro na lalong nakikibahagi at nais na magsimula ng mga bagong ministeryo. Kung hindi sila bibigyan ng pagkakataon na manguna, ang iglesia ay hindi lalago ayon sa nararapat.

Ang kabiguang makabuo ng mas maraming pinuno ay magbubunga na pasanin ng nangungunang pinuno ang lahat ng desisyon. Dahil ang pinuno ay may mga limitasyon, kaya kadalasan ay naghihintay sa kanya ang mga tao.

Si Moises ay nasa isang bagong posisyon matapos niyang pangunahan ang Israel palabas ng Ehipto. Ang mga tao ay lumapit sa kanya upang malutas ang bawat hidwaan sa pagitan nila. Napakaraming hidwaan sa kanila sapagkat maraming tao sa isang bagong lugar na wala pang nakatatag na mga batas o halimbawa na susundan. Binisita ni Jetro si Moises at nakita niya na ginugugol ni Moises ang bawat araw sa paglutas ng mga hidwaan ng mga tao. Pinayuhan siya ni Jetro na magtayo ng mga hukom sa iba’t ibang antas upang magpasya sa karamihan ng mga kaso. Ang aksyon na ito ang nagtatag ng mga pinuno na may tunay na awtoridad.

Ang isang pinuno na nakatuon ang pag-iisip sa pag-akit ng mga tagasunod ay karaniwang nagkukulang ng tulong sa pamumuno. Ang isang organisasyon ay maaaring magdagdag ng mga tagasunod, o maaari nitong paramihin ang mga tagasunod sa pamamagitan ng pag-akit at pagbuo ng mga pinuno.

Ang pagpapaunlad ng mga pinuno ay hindi lamang responsibilidad ng nangungunang pinuno. Ang bawat pinuno sa organisasyon, sa bawat antas, ay dapat tumulong upang paunlarin ang mga tao sa paligid niya sa pamamagitan ng paggabay at pagbabahagi ng responsibilidad.

► Bakit nangangailangan ng maraming pinuno ang isang malakas at lumalagong organisasyon?


[1]Ken Blanchard and Phil Hodges, The Servant Leader: Transforming Your Heart, Head, Hands, and Habits (Nashville: Thomas Nelson, 2003), 18
[2]

“Hayaang panatilihin ng sinumang namamahala ang simpleng tanong na ito sa kanyang isip, hindi ‘Paano ko laging magagawa ang tamang bagay na ito’, kundi, ‘Paano ko mapananatili na ang tamang bagay na ito ay patuloy at laging magagawa?”
- Florence Nightingale