Ang kailangan ng Iglesia ngayon ay hindi mas marami o mas mahusay na makinarya, hindi mga bago at higit pang samahan o mga novel methods, kundi ang mga taong magagamit ng Banal na Espiritu – mga taong mapanalanginin, mga taong makapangyarihan manalangin. Ang Banal na Espiritu ay hindi dumadaloy sa pamamagitan ng mga pamamaraan, ngunit sa pamamagitan ng mga tao. Hindi siya dumating sa pamamagitan ng makinarya, ngunit sa pamamagitan ng mga tao. Hindi Niya pinili ang mga plano, kundi ang mga tao – mga tao na mapanalinginin
- (E. M. Bounds, Power through Prayer).
► Anong mga error ang sumusubok na ituwid ang mga pahayag na ito?
Ang pananalangin ay nagpapakita ng nagpapahayag pagtitiwala sa Dios. Ang isang taong masyadong abala sa pananalangin ay iniisip na ang kanyang gawain ay mas mahalaga kaysa sa gawaing gagawin ng Dios bilang tugon sa kanyang mga panalangin.
Dahil tayo ay naka-asa sa Banal na Espiritu, ang pananalangin ay mahalaga para sa atin. Hiniling ni Pablo sa mga tao na ipanalangin ang paglaganap ng ebanghelyo
(2 Tesalonica 3:1, Colosas 4:3, Efeso 6:19).
► Alam natin na ang pananalangin ay mahalaga para sa mananampalataya. Ano ang ilang mga kadahilanan kung bakit lalong mahalaga ito para sa isang taong nangangaral ng ebanghelyo?
Mahalaga ang pananalangin para sa isang nag-eebanghelyo:
(1) Ang nag-eebanghelyo ay dapat na buhay sa espirituwal.
Ang pananalangin ay ang hininga ng kaluluwa. Ang nag-eebanghelyo ay nangunguna sa ibang tao tungo sa pakikipag-ugnayan sa Dios na naranasan na niya.
(2) Ang nag-eebanghelyo ay hindi makakayanang panatilihin ang tamang pagnanais para sa ministeryo kung walang inilalaan na oras sa Dios sa pamamagitan ng pananalangin.
Kung wala ang pananalangin, ang isang tao ay nagsisikap na gawin ang pag-eebanghelyo ay magkakaroon ng maling motibasyon (marahil ay naghahanap ng personal na tagumpay o nasisiyahan sa pakikipag-argumento).
[1](3) Ang nag-eebanghelyo ay dapat na umasa sa Banal na Espiritu upang makita ang paghatol sa makasalanan at bigyan siya ng pagnanais na maligtas.
Ang pag-eebanghelyo ay hindi lamang isang pagsisikap o gawain ng tao. Ang nag-eebanghelyo ay umaasa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ang pangangatwiran ng tao ay hindi maaaring magdulot sa isang makasalanan na aminin ang kanyang pagkakasala at hangaring hanapin ang Dios (Juan 16:8, Juan 6:24).
(4) Ang nag-eebanghelyo ay naka-asa sa Dios na pagpalain at gagabayan ang kanyang pag gamit sa Banal na Kasulatan
(Roma 1:16, Isaias 55:11).
(5) Kinakailangan ng isang nag-eebanghelyo ang patnubay ng Dios sa kanyang ministeryo (Gawa 11:12).
Kung ang iyong pagnanais na matuto ay lumampas sa iyong pagnanais para sa mga kaluluwa, huminto at manalangin hanggang ang iyong pagnanais para sa mga kaluluwa ay lumampas sa iyong pagnanais na matuto.
- William Smith,
tagapagtatag ng
Union Bible College
Ang Pagsasanay ng Pananalangin
Isang Personal na Buhay Pananalangin
Ang bawat Kristiyano ay dapat na tapat sa pang-araw-araw na pananalangin, at ang kahalagahan nito ay mas malaki para sa isang taong nagnanais na maging epektibo sa pag-eebanghelyo.
Dapat siyang magkaroon ng isang espesyal na oras bawat araw upang ilaan sa pakikipag-ugnayan sa Dios. Kung posible, dapat siya ay nasa isang pribadong lugar. Maaaring kailanganin niyang bumangon ng maaga upang makapanalangin siya ng walang makabalisa bago ang kaabalahan sa araw na iyon. Kung hindi niya magagawang maaga ang kanyang espesyal na oras sa pananalangin, dapat pa rin siyang maglaan ng ilang minuto sa simula ng araw upang makipag-usap sa Dios.
Dapat siyang magbasa ng ilang talata ng Banal na Kasulatan araw-araw at pagnilaynilayan niya ito, na ipinapanalangin na tuparin ng Dios ang katotohanan ng talata sa kanyang buhay.
Mabuti kapag inililista ang mga bagay na dapat nating ipanalangin. At kung hindi, marahil ay hindi natin maaalala ang ilan sa mga mahahalagang bagay. Dapat tayong nananalangin para sa paglaganap ng ebanghelyo sa buong mundo, lalo na sa mga bansa kung saan ang mga Kristiyano ay inuusig. Dapat tayong nananalangin para sa katagumpayan ng ebanghelyo sa ating sariling bansa. Dapat nating ipanalangin na ang ating mga lokal na iglesia ay magpatuloy na gawin ang misyon ng Dios para sa ating mga komunidad/pamayanan. Dapat nating ipanalangin na tulungan tayo ng Dios na personal na maibahagi ang ebanghelyo ng epektibo.
Ang isang listahan ay tumutulong din sa isang tao na manalangin sa mga oras kung nahihirapan siyang mag-concentrate.
Hindi kinakailangang gumamit ng isang listahan ng panalangin sa tuwing magdarasal ka. Minsan ay mararamdaman mo ang pangangailangan na ipanalangin ang tungkol sa ilang mga bagay, at maaalala mo ito ng walang listahan.
► Ano ang iba pang mga bagay na dapat na nasa isang listahan ng ipapanalangin?
Isang listahan ng mga Pangalan para sa ipapanalangin
Gumawa ng isang listahan ng sampung taong kilala mo ng personal na nangangailangan ng kaligtasan. Ito dapat ay mga taong mayroon kang kaugnayan ng madalas. Mag-commit na ipanalangin sila araw-araw. Kausapin mo sila kapag nagbukas ang Dios nang pagkakataon; kung wala namang pagkakataon na makipag-usap sa kanila, magpatuloy na ipanalangin sila. Ayon sa patotoo ng iba na gumawa nito, kung gagawin mo ito, bago lumipas ang isang taon ang ilan sa mga taong iyon ay maliligtas.
Mga Kasamahan sa Pananalangin
Mabuti para sa isang Kristiyano na magkaroon ng isang kaibigan na makakasamang mananalangin ng regular. Dapat silang magbahagi ng mga pangangailangan at tagumpay. Maaari silang magkita bawat linggo, o kaya ay mas madalas.
Ang mag-asawa ay maaaring manalangin ng magkasama sa ganitong paraan; ngunit mabuti kung ang asawang lalaki ay mayroong isang kaibigang lalaking makakasamang manalangin, at mabuti rin para sa asawang babae na magkaroon ng kaibigang babae na makakasamang manalangin.
► Ano ang mga karanasan ng mga miyembro sa klase na mayroon ng kasamang nananalangin?
Ang mga kalalakihan na pumasan sa unang responsibilidad ng pagdidisipulo sa mundo ay lumapit kay Jesus na may isang pinakamataas na kahilingan. Hindi nila sinabi, ”Panginoon, turuan mo kaming mangaral,” “Panginoon, turuan mo kaming gumawa ng mga himala,” o “Panginoon, turuan mo kaming maging pantas” … sa halip ay sinabi nila, ”Panginoon, turuan mo kaming manalangin.”
- Billy Graham
Ang Pananalangin habang Naglalakad
Ang pananalangin habang naglalakad (prayer walk) ay maaaring gawin dahil nararamdaman ng isang ministeryo ang isang responsibilidad para sa mga taosa kanilang lugar. Ang pangkat o indibidwal ay lumalakad sa lugar habang pinagdarasal ang mga pangangailangan nito. Ang pananalangin ay maaaring tahimik lamang. Maaaring nilang kausapin ang mga taong nakatagpo nila, ngunit ang pangunahing layunin ng paglalakad ay pananalangin. Ang pananalangin habang naglalakad ay maaaring gawin sa simula o pagkatapos ng ministeryo sa isang lugar.
Ang “Prayer Station”
Ang ilang mga iglesia ay nagtatayo ng isang pansamantalang prayer station sa isang pampublikong lugar kung saan dumadaan ang maraming tao. Naglalagay sila ng isang karatula na ang nakalagay ay “Prayer Station,” at inaalok na manalangin para sa mga taong dumaraan. Itinatanong nila, “Mayroon ba kayong pangangailangan na nais mong ipanalangin ko?” Nagpapakita sila ng pagmamalasakit sa mga pangangailangan at hindi nagsisimula ng mga argumento. Kadalasan sila ay nagkakaroon ng pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo.
► Ano ang posibleng magandang lugar para sa isang prayer station sa inyong lugar?
Ang Biblikal na Pananalangin
Ang mga panalanging ginamit ni Jesus at ng mga apostol ay nagpapakita sa atin ng mga bagay na dapat nating ipanalangin, dahil alam natin na ipinapanalangin nila ang ayon sa kalooban ng Dios. Narito ang tatlong mga halimbawa.
Ang Panalangin ng Panginoon: Sa Mateo 6:9-13, nagbigay si Jesus ng isang modelo/gabay sa pananalangin para sa kanyang mga tagasunod. Dapat nating ipanalangin ang mga salitang ito, ngunit dapat din tayong manalangin sa pangkalahatan sa mga pratoridad na ito.
Ang panalangin ni Pablo para sa mga taga Efeso: sa Efeso 3:14-19, ipinanalangin ni Pablo ang paglagong espirituwal ng mga mananampalataya. Dapat din natin itong ipanalangin para sa ating sarili at sa iba pa.
Ang Panalangin ng Pag-ani: Sa Mateo 9:36-38, nais ni Jesus na ibahagi ng kanyang mga disipulo ang kanyang awa para sa mga makasalanan at ipanalangin na ipadala ng Dios ang mga manggagawa para sa espirituwal na pag-ani.
Ang Pagsasanay ng Pag-aayuno
Ang Pag-aayuno ay isang paraan ng pagtutuon ng ating atensyon sa mga espirituwal at makalangit na mga bagay, malayo sa mga pisikal at makamundong bagay. Ito ay nagpapakita na ang mga bagay na espirituwal at makalangit na bagay ay mas mahalaga sa atin kaysa sa mga pisikal at makamundong bagay na panandalian lamang. Ito ay isang paraan ng pagpapalakas ng ating pananampalataya.
► Paano naiiba ang pag-aatuno sa isang taong ginugutom ang sarili sa pagnanais na manipulahin ang Dios na gawin ang isang bagay?
Mga Halimbawa ng Pag-aayuno sa Banal na Kasulatan
Ito mga halimbawa na naitala sa Banal na Kasulatan ng mga panahon kung saan ang isang tao ay naging seryoso sapagnanais na tulungan o gabayan siya ng Dios na nagdulot sa kanya upang mag-ayuno. Ang mga halimbawang ito ay napili mula sa maraming sanggunian sa Banal na Kasulatan upang ipakita na ang Biblia ay karaniwang nagsasalita ng mabuti patungkol sa pag-aayuno. Sa Banal na Kasulatan, madalas itong binabanggit bilang isang bahagi ng paliwanag kung bakit nakikialam ot tumutulong ang Dios.
Kasulatan
Resulta ng Pag-aayuno at Panalangin
2 Cronica 20
Ang pag-aayuno ng isang bansa ay nagdulot ng tagumpay sa labanan.
Ezra 8:21
Nag-ayuno si Ezra at nanalangin para sa proteksyon ng Dios mula sa mga panganib.
Esther 4:16
Ang mga Judio ay nag-ayuno para sa pagkilos ng Dios sa planong pagpatay.
Jonas 3:5-6
Nag-ayuno ang Nineve para sa awa ng Dios.
Mga Hukom 20:26
Nag-ayuno ang Israel upang hingin ang patnubay ng Dios sa
isang digmaan.
1 Samuel 7:6
Nag-ayuno ang Israel para sa kapatawaran at kaligtasan.
Nehemias 1:4
Nag-ayuno si Nehemias para pahintulutan ng Dios na muling maitayo ang lungsod.
Daniel 9:3
Nag-ayuno si Daniel para sa kaligtasan ng Israel mula sa pagkakabihag.
Joel 2:12
Ang panawagan na mag-ayuno kasama ng pagsisisi at pagtangis.
Mateo 4:2
Si Jesus ay nag-ayuno ng 40 araw bilang paghahanda sa kanyang ministeryo sa lupa.
Lukas 2:37
Si Anna ay isang propetang babae na gumugol ng kanyang oras sa pag-aayuno at pananalangin.
Gawa 10:30
Si Cornelius ay nag-aayuno nang matanggap niya ang isang mensahe mula sa Dios.
Gawa 13:2-3
Habang nag-aayuno, ang iglesia ay sinabihan ng Dios na magpadala ng mga misyonero.
Gawa 27:21
Si Pablo ay nag-ayuno at nanalangin sa oras ng krisis.
► Dapat basahin ng klase ang isa sa mga banal na kasulatan tungkol sa pag-aayuno at talakayin ang sitwasyon na inilalarawan sa talata.
Mga tagubilin ni Jesus
Sinabi ni Jesus na ang mga alagad ay dapat na mag-ayuno kapag hindi na nila siya kasama sa pisikal na katawan.[1] Tinuruan Niya sila tungkol sa wastong pamamaraan sa pag-aayuno. Sinabi niya na ang pag-aayuno ay hindi dapat magiging isang demonstrasyon para makita ng ibang tao.
Bukod dito, kayo ay nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwar. Sapagkat hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila ay nag-aayuno. Sigurado, sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka at lagyan mo ng langis ang iyong ulo;upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno, Ang inyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito: Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.[2]
Ang ilan sa mga pananampalaya sa unang iglesia ay nag-aayuno ng pagkain tuwing Miyerkules at Biyernes, bukod sa pag-iskedyul ng taunang araw ng pag-aayuno. Si Martin Luther, John Calvin, John Knox, Jonathan Edwards, Charles Finney, at D. L. Moody ay madalas na nag-aayuno. Si John Wesley at ang unang Methodists ay kilala sa pag-aayuno. Ang bawat pagbabagong-buhay na may pangmatagalang epekto ay nagsisimula sa panalangin at pag-aayuno.
► Anu-ano ang mga taong kilala mo na nakakita ng magandang resulta mula sa pag-aayuno?
Ang Kahinaan ng Modernong Iglesia
Sinabi ni Jesus sa mga alagad na nabigo silang tulungan ang isang taong ilaalihan ng demonyo dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Pagkatapos ay sinabi niya, "Ang ganitong uri ay hindi lalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno" (Mateo 17:21). Ipinaliwanag niya na ang panalangin at pag-aayuno ay ang mga paraan upang magkaroon ng pananampalataya; at, samakatuwid, ang lunas para sa kawalan ng pananampalataya. Hindi niya pinakakahulugan na ang mga alagad ay dapat magsimulang mag-ayuno lamang kapag nakakaranas ng mga krisis; ang ibig niyang sabihin ay ang regular na pananalangin at pag-aayuno ay dapat maging bahagi ng kanilang buhay, upang magkaroon sila ng kinakailangang pananampalataya upang matugunan ang mga krisis.
Ang kadahilanan mula sa mga salita ni Jesus at mula sa maraming mga halimbawa ng Banal na Kasulatan at mga halimbawa ng pag-aayuno sa kasaysayan, maaari nating mailarawan ang mga pagpapala na maaari nating matanggap sa pamamagitan ng isang larawan ng isang pyramid na nahahati sa ibat-ibang antas. Ang mas mababang antas ng mga pagpapala ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng pananampalataya na maaabot natin sa pamamagitan ng panalangin. Ang mas mataas na antas ng mga pagpapala ay matatanggap sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno ng magkasama.
Paano ang Wastong Pag-aayuno
Pagsamahin ang panalangin at pag-aayuno upang ang pag-aayuno ay hindi lamang isang panlabas na gawa, ngunit isang pagpapanibago ng espirituwalidad at pagpapalawak ng iyong pananampalataya.
Ang pag-aayuno na may motibo na luwalhatiin ang Dios at hindi para sa pagmamataas.
Habang ikaw ay nananalangin at nag-aayuno, hanapin ang kalooban ng Dios hinggil sa iyong kahilingan.
Huwag ipalit ang pag-aayuno para sa pagsunod.
Huwag saktan ang iyong katawan.
► Dapat talakayin ng klase ang isang aktibidad ng pananalangin at pag-aayuno na gagawin ng magkakasama.
Ligtas na Pag-aayuno
Ang pag-aayuno ay malusog kung gagawin ng tama. Sa katunayan, marami ang mga benebisyo sa kalusugan na kasama ng regular na pag-aayuno.
Uminom ng tubig sa panahon ng pag-aayuno. Huwag mag-ayuno mula sa tubig.
Magsimula sa pamamagitan ng pag-aayuno ng isang araw. Pa-unti-unti ay dagdagan ng mas mahabang panahon. Magkaroon ng isang linggo ng normal na diyeta sa pagitan ng mga pag-aayuno ng isang araw o higit pa.
Ang mga panahon ng pagduduwal o pananakit ng ulo ay pangkaraniwan para sa mga hindi sanay sa pag-aayuno. Kung ang isang tao na nasa mabuting kalusugan ay regular na nag-aayuno, hindi siya karaniwang magkakaroon ng mga sintomas pagkatapos ng mga unang niyang beses ng pag-aayuno. Ang masamang lasa sa bibig at masamang hininga ay dumarating dahil tinatanggal ng katawan sa sarili niya nag mga nakakalasong dumi.
SA isang mahabang pag-aayuno, marami sa mga hindi komportableng sintomas ay hihinto pagkatapos ng ilang araw. Bigyan ng pahinga ang pag-aayuno sa pamamagitan ng pag-inom ng juice, pagkatapos ay mga pagkaing magaan sa tiyan.
Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay dapat isaalang-alang kung ano ang gagawin niya upang mapaunlad ang kanyang sariling kasanayan sa pagdarasal. Dapat siyang pumili ng oras at tagal ng oras na ilalaan para sa pananalangin araw-araw. Dapat niyang isa-alang-alang ang pag-iskedyul ng regular na pag-aayunog.
Ang mag-aaral ay dapat basahin ang dalawa sa mga talata tungkol sa pag-aayuno. Magsulat ng isang magandang salaysay patungkol sa bawat talata, na nagpapaliwanag sa sitwasyon at resulta ng pag-aayuno.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.