► Dapat ba nating ipanalangin ang mga makasalanan? Saan sa Biblia sinasabi sa atin na dapat nating ipanalangin ang mga makasalanan?
Hindi madaling makahanap ng isang talata sa Biblia na nagsasabi ng diretso na dapat nating ipanalangin ang mga makasalanan na magbalik-loob. Ang alam nating matatagpuan ay mga talata na nagsasabing dapat nating ipanalangin ang pagkakaroon ng mabisang pagkalat ng ebanghelyo (2 Tesalonica 3:1, Efeso 6:19, Colosas 4:4, Acts 4:29).
Alam natin na dapat nating ipanalangin ang pagbabalik-loob ng mga makasalanan kasabay ng pananalangin para sa tagumpay ng ebanghelyo. Sinabihan tayong manalangin para sa lahat, kabilang dito ang pananalangin na magbalik-loob ang mga makasalanan (1 Timoteo 2:1). Sinabihan din tayo na subukang ituwid ang mga tao upang magsisi (2 Timoteo 2:25), at nararapat na manalangin para sa tulong ng Dios sa gawaing iyon.
Ang Pagbabahagi ng Ebanghelyo noong Unang Henerasyon
Kapag ang iglesia ay nasa kanyang kasigasigan, ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay tila nangyayari ng kusa at natural. Sa unang henerasyon ng iglesia na inilarawan sa aklat ng Gawa, tila lahat ay masayang nagbabahagi ng ebanghelyo.
Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Gawa 2:46-47 para sa pangkat.
Sa katunayan, ang ugnayan ng miyembro ng iglesia ay napakalakas at buhay na buhay kung saan ay natural itong nakakatawag pansin ng iba. Ito ang nagsasabi sa atin na kung ang isang iglesia ay hindi nakakaakit ng mga bagong tao, ang kanilang pakikipag-ugnayan ay hindi kasing lakas ng nararapat na ugnayan.
Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Gawa 5:42 para sa pangkat.
Ang mga apostol at iba pang mga kristiyano ay nakakita ng oprtunidad na ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng dako at sa lahat ng oras. Ang ilang iglesia ay hindi ipinapangaral ang ebanghelyo sa labas ng iglesia, at hindi sila sigurado kung paano magsisimula. Hindi nila alam kung paano makahanap ng mga oprtunidad upang ipangaral ang ebanghelyo.
Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Gawa 8:1-4 para sa pangkat.
Dahil sa pag-uusig, maraming mga Kristiyano ang umalis sa Jerusalem upang manirahan sa ibang lugar. Ibinahagi nila ang ebanghelyo sa lahat ng lugar na kanilang pinuntahan. Para sa kanila, ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay bahagi ng kanilang pamumuhay bilang Kristiyano.
Mga Pagtatalo o Agrumento patungkol sa mga Iglesia
Dapat mong iwasan ang mga argumento patungkol sa ibang iglesia sa harapan ng mga taong hindi pamananampalataya. Huwag mong punain ang ibang iglesia kapag ibinabahagi mo ang ebanghelyo. Ang mga taong wang pananampalataya ay walang espirituwal na pang-unawa upang magkaroon ng tamang konklusyon sa mga argumento patungkol sa iglesia. Maraming tao sa mundo ang nagsasabi na ang mga pagtatalo-talo sa pagitan ng mga iglesia ay ang dahilan kung bakit hindi sila naniniwala sa Kristiyanismo.
Kung ang isang tao ay nagpipilit magtanong tungkol sa mga pagkakaiba sa doktrina, magbigay ng mga dagot mula sa banal na kasulatan, ngunit subukang ibalik siya sa prayoridad ng ebanghelyo. Maaari mong sabihin na, “Ang mga tanong na iyan ay mahalaga, ngunit ang pinakamahalagang bagay ay maging ligtas at magkaroon ng kaugnayan sa Dios.” Kung sabihin nila sa iyo ang tungkol sa isang Kristiyanong kanilang kilala, marahil ay isa nilang kamag-anak o isang pastor, subukang huwag sabihin ang mga kritikal na bagay tungkol sa doktrina ng taong iyon.
Kung kailangan mong ipaliwanag kung bakit naiiba ang iyong simbahan sa iba, maari mong sabihin na, “Mahalaga para sa isang tao na magsisi sa kasalanan, mapatawad, at mamuhay ng may pagsunod sa Dios. Ang aming iglesia ay binibigyang diin ang mga prayoridad na ito, kaya naiiba kami mula sa ibang mga iglesia na nagbibigay diin sa ibang bagay.”
Mahihirap na Tanong
Ang ilang Kristiyano ay natatakot magbahagi ng ebanghelyo dahil natatakot sila sa mga mahihirap na tanong. Mabuti ang patuloy na matututo, ngunit sa katunayan ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi alam kung paano sasagutin ang lahat ng mgahirap na katanungan. Hindi mo kinakailangang malaman ang lahat ng sagot.
Kung may magtanong sayo nag tanong na hindi mo kayang sagutin, maaari mong sabihin ang ganito: “Hindi ko alam ang pinakamahusay na sagot sa tanong na iyan. Ang isa sa aming miyembro sa iglesia ay maaaring makatulong sayo sa tanong na iyan. Ngunit ang mas mahalaga, naniniwala ako sa Biblia, at naniniwala ako na ang pinakamahalang bagay ay ang makilala ang Dios at maging ligtas. Alam ko kung paano ka maliligtas.”
Kung sabihin sa iyo ng isang tao na, “Hindi ako naniniwala sa Biblia,” o kaya naman ay “Hindi ako naniniwala sa Dios,” mayroong dalawang magkaibang direksyon na maaari mong gawin sa pag-uusap na iyon. Maaari mo siyang tanungin sa kanyang mga dahilan ng kanyang opinyon at subukang bigyan siya ng ilang mga katibayan. Ang ibang direksyon ay ang pagsasabi ng, “Marahil ay naisip mo ito at sinubukan mong magkaroon ng isang lohikal na konklusyon. Ngunit, kahit hindi ka naniniwala sa Biblia, bilang isang taong matalino ay nais mong malaman ang pangunahing mensahe ng Biblia. Maaari ko bang ipakita sayo kung ano ito?” Sa ganitong paraan ay maibabahagi mo ang ebanghelyo ng hindi ka nakikipagtalo. Maaaring magamit ng Dios ang mensahe upang maapektuhan siya sa mga susunod na araw.
Kapag ikaw ay nagbabahagi ng ebanghelyo, maaari kang makakilala ng isang taong nais lang makipagtalo o argumento. Dapat mong iwasan ang pag-aaksaya ng maraming oras sa kanya. Kahit na sabihin mo ang lahat ng mga tamang bagay, marahil ay hindi niya tatanggapin ang katotohanan. Subukan mong ibahagi ang pangunahing katuruan ng ebanghelyo, magpatuloy ka at makipag-usap sa ibang tao.
Ipagtanggol ang Ebanghelyo
Basahin ang Tito 1:9-11.
► Ano ang ibinigay na mga dahilan ng talatang ito kung bakit dapat nating ipagtanggol ang ebanghelyo?
Isa sa mga kakayahan na dapat mabuo ng isang pastor ay ang kakayahang ipagtanggol ang katotohanan ng Kristiyanismo laban sa mga pilosopiya ng mundo. Hindi ito tumutukoy sa pakikipag-argumento patungkol sa mga doktrina ng iba’t ibang iglesia, ngunit ang pagsalungat ng mundo laban sa ebanghelyo.
Ang kadahilanan na dapat nating ipagtanggol ang katotohanan ay hindi lamang upang subukang magbalik-loob ang taong nakikipagtalo, ngunit upang matulungan ang mga taong kanyang naimpluwensyahan. Maraming tao ang hindi pa napanakapagpapasya kung ano ang dapat paniwalaan. Kailangan nilang marinig ang pagtatanggol sa katotohanan ng Kristiyanismo.
Karamihan sa mga Kristiyano ay hindi lubos na handa para sa ganitong uri ng argumento. Ang bawat Kristiyano ay dapat na mas matuto hanggat kaya niya, ngunit ang ilan ay may natural na kakayanan at handa siya upang gawin iyon.
Habang nag-aargumento, mahalaga na ipakita ang iyong layunin. Hindi ka nagsisikap na manalo sa isang kompetisyon. Hindi mo kinakalaban ang isang tao bilang isang personal na kaaway. Kailangan mong ipakita na ang katotohanan ay mahalaga sayo sapagkat ikaw ay nagmamalasakit sa mga tao. Kung hindi niya pinaniniwalaan ang ebanghelyo, ang kanyang kaluluwa ay maliligaw. Iyon ang dahilan kung bakit nais mong baguhin ang kanyang isip. Maaari mong sabihin na, “Nais kong makilala mo ang Dios at nais kong maligtas ka, natatakot din ako na naniniwala ka sa isang bagay na hindi magdadala sayo palapit sa Dios.”
Pagbuo ng Kasanayan sa Paggawa ng mga Oportunidad
Mayroon tayong ilang lista ng mga nakatalang pagkakataon sa Biblia kung saan natagpuan ng tagapagbahagi ng ebanghelyo ang isang espesyal na oprtunidad upang makapagbahagi siya ng ebanghelyo.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Gawa 8:26-39 para sa pangkat. Ang isa pang mag-aaral ay maaaring hilingin na ibuod ang kuwento para sapangkat. Paano naging katibo ang Espiritu ng Dios sa kaganapang ito? Paano nalaman ni Felipe ang isang pagkakataon para ibahagi ang ebanghelyo?
Ang isa pang halimbawa ng isang tagapagbahagi ng ebanghelyo na nalaman ang isang pagkakataong upang ibahagi ang ebanghelyo ay si Jesus mismo.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Juan 4:7-14 para sa pangkat. Ang isa pang mag-aaral maaaring hilingin na ibuod ang kwento.
Kabilang sa pag-uusap na ito sa pagitan ni Jesus at ng babaeng Samaritano ang paksa patungkol sa di pagkakasundo ng mga etniko, kontrobersiya sa relihiyon, at ang mga karaniwang tungkulin sa buhay. Si Jesus ay hindi gumugol ng maraming oras sa mga paksang iyon, ngunit pinatnubayan ang pag-uusap sa paksa ng espirituwal na pangangailangan ng babae.
Kapag natutunan mong magbahagi ng ebanghelyo, hahanap hanapin mo ang mga pagkakataong upang maibahagi ang ebanghelyo sa mga tao. Kadalasan, may magsasabi sayong nais nilang marinig ang ebanghelyo, ngunit ang mga pagkakataon ay karaniwang hindi gaanong halata.
Pakiramdam ng ilang Kristiyano na mahirap ibahagi ang ebanghelyo dahil sa palagay nila ay hindi interesado ang mga tao na pankinggan ito. Iniisip nila na mahirap magsimula ng pag-uusap tungkol sa relihiyon.
Ang ebanghelyo ay tumatalakay sa maraming alalahanin na mayroon ang mga tao. Kaya, hindi mahirap magpanimula ng usapan patungkol sa ebanghelyo.
Sa leksiyon na ito, ang susunod nating tatalakayin ay ang mga dahil kung bakit nagiging interesado ang mga tao sa ebanghelyo.
Ang Iba’t-ibang Uri ng Motibo
Ang mga tao ay may iba’t-ibang uri ng motibo sa kanyang pagtugon sa alok na kaligtasan. Kadalasan ang kanilang mga motibo ay hindi tama, ngunit marami din namang may tamang motibo.
► Ano ang iyong dahilan sa pagtanggap sa ebanghelyo? Hayaaan ang ilang mga mag-aaral na ilarawan ang kanilang sariling mga kadahilanan sa pagbabalik-loob.
Narito ang iba’t ibang uri ng motibo na nagiging sanhi ng pagnanasa ng mga tao na magkaroon ng kaligtasan.
Upang pumunta sa langit, hindi sa impyerno (o takot na mahatulan)
Upang magkaroon ng katuparan at layunin sa buhay
Upang magkaroon ng seguridad, kapayapaan ng isip, kalayaan mula sa takot
Upang magkaroon ng kapatawaran, kalayaan mula sa pagkakasala (malinis na konsensya)
Upang maging malinis at buo sa espoirituwal na aspeto
Upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Dios (upang makilala ang Dios)
Upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga Kristiyano
Upang magkaroon ng kasiyahan sa mga espirituwala na hangarin (tunay na kaligayahan)
Upang magkaroon ng paglaya mula sa kasalanan
Upang malaman ang katotohanan
Ang mga ito ay direktang pakinabang ng pakikipagkasundo sa Dios. Ang mga ito ay hindi makamundong alalahanin na sumasalungat sa mga walang-hanggang halaga. Ang isang tao ay nagkukulang sa mga bagay na ito kung siya ay hiwalay sa Dios.
► Tingnan ang listahang ito at isaalang-alang kung alin ang mahalaga sayo. Alin dito ang naging kaakit-akit sayo bago ka magbalik-loob? Alin sa mga ito ang naging mahalaga sayo pagkatapos ng iyong pagbabalik-loob?
Ang isang taong hindi pa mananampalataya ay maaaring magpakita sa kanyang pakikipag-usap na nararamdaman niya ang pangangailangan para sa isa sa mga pakinabang ng pagkakaroon ng kaligtasan. Ang tagapagbahagi ng ebanghelyo ay maaaring iangkop ang kanyang diskarte sa pagbabahagi ng ebanghelyo upang matugunan ang pangangailagan. Maaari niyang sabihin na, “Ang dahilan kung bakit ang mga tao ay walang ______ ay dahil sila ay hiwalay at walang kaugnayan sa Dios. Sibasabi sa atin ng Biblia kung paano bumalik sa pakikipag-ugnayan sa Dios.”
Mahalagang tiyakin na hindi tayo nangangako ng makamundong kaligayahan sa sinumang tao na magiging isang Kristiyano. Ang isang tao na nagpapasya na maging Kristiyano dahil sa ganoong kadahilanan ay hindi tunay na nagsisisi sa kasalanan at, samakatuwid, ay hindi makakakuha ng mga pakinabang ng pagkakaroon ng kaligtasan. Ang isa pang kadahilanan kung bakit hindi tayo dapat mangako ng makamundong kaligayahan ay dahil ang Biblia ay hindi nangangako ng magandang kalagayan para sa mga Kristiyano; sa halip, ito ay nagbibigay ng pahayag ng pagkakaroon ng pag-uusig (2 Timoteo 3:12).
Ang pinakamahalagang dahilan para sa isang tao upang maging isang Kristiyano ay ang maunawaan niya ang kanyang pagkakasala at darating na paghuhukom. Ang iba pang mga bagay na nasa listahan sa itaas ay maaaring magamit upang matulungan ang isang tao na maunawaan na siya ay nahiwalay sa Dios.
Ang Pagkilatis ng mga Oportunidad sa Pag-uusap
► Ano ang iyong ginagamit na mga panimula sa magbukas ng isang oportunidad upang maibahagi ang ebanghelyo?
► Mahirap ba para sa inyo ang pagbubukas ng isang oprtunidad upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano sa palagay nyo ang dahilan?
Kadalasan ang oportunidad ay madaling dumarating. Sa mga pagkakataong iyon, maaari mo ng simulang ipaliwanag ang ebanghelyo. Kung nais mong ipakita sa kanila ang mga talata ng Banal na kasulatan, maaari mong itanong, “Maaari ko bang mahiram ang ilang minuto upang ipakita sayo ang sinasabi ng Biblia kung paano maging isang Kristiyano?” Kung nais mong ipakita ang pagguhit ng isang tulay, maaari mong itanong, "Maaari ko bang mahiram ang ilang minuto upang ipakita sayo ang isang pagguhit na naglalarawan sa sinasabi ng Biblia ang paraan upang malaman na ikaw ay siguradong maliligtas?"
Ang mga pagkakataon ay lumilitaw sa mga pag-uusap sa ibat’ibang uri ng mga paksa. Alinman sa mga pagkakataon ng pagbubukas ng usapan ay na isinalarawan dito ay maaaring magamit para sa pagbabahagi ng ebanghelyo katulad ng pagguhit ng tulay o pagbabahagi mula sa Banal na Kasulatan katulad ng Roman Road.
► Ilan na ang nakarinig ng mga reklamo ng tao tungkol sa mahirap na kondisyon ng kanilang buhay?
Minsan ang mga tao ay nagrereklamo tungkol sa mga mahirap na kalagayan sa kanilang buhay. Sila ay nagtatanong, “Bakit napakahirap ng buhay?” Matapos silang tumugon, maaari mong sabihin na “Maaari ko bang ipakita sayo ang isang pagguhit na naglalarawan kung bakit napakahirap ng buhay?” Magsimula sa pagsasabi na ninais ng Dios na mabuhay tayo ng maykaugnayan sa kanya at hindi niya nilayon na maging ganito ang buhay. Ang mundo ay nasira ng kasalanan. Pagkatapos ay magpatuloy at ipakita ang pagguhit ng larawan.
Upang magamit ang pagpapahayag na diretsong mula sa Banal na Kasulatan, katulad ng Roman Road, Maaari mong sabihin, “Ipinapaliwanag ng Biblia na ang buhay ay mahirap dahil ang lahat ng tao ay nagkasala. Nagdala ng isang sumpa sa mundo.” Magpatuloy sa Roman Road.
Kung ang isang tao ay tila relihiyoso, maaari mong itanong kung ano ang pinakamahalagang paniniwala para sa kanya. O kaya ay maaari mo siyang tanungin kung, “Ano ang pinaniniwalaan mo kung paano malalaman ng isang tao na siya ay mapupunta sa langit?” Pagkatapos marinig ang kanyang sagot, itanong “Maaari ko bang mahiram ang ilang minuto upang ipakita sayo ang isang pagguhit na naglalarawan kung ano ang sinasabi ng Biblia kung paano makakapunta ang isang tao sa langit?”
► Narinig mo ba na nag-uusap ang mga tao tungkol sa masamang kalagayan ng mundo o mga problema sa bansa? Paano mo ito magagamit bilang isang pagkakataon upang maibahagi ang ebanghelyo?
Kung ang isang tao ay nagsasalita tungkol sa mga problema sa bansa, katulad ng kagutuman o kahirapan sa buong mundo, o ang panganib na dulot ng digmaan, maaari mo siyang tanungin, "Maaari ko bang ipakita sayo ang ilang talata sa Banal na Kasulatan na nagpapaliwanag kung bakit nagkaganito ang mundo?”
Ipakita na ang kalagayan ng mundo ay dahil ang mga makasalanan ay nahiwalay sa Dios. Huwag ipahiwatig na matatapos agad ng kaligtasan ang lahat ng uri ng problema, ngunit ipakita na ang indibidwal na kaligtasan ay pasimula ng solusyon ng Dios. Balang araw ay magkakaroon ng bagong langit at bagong lupa at mawawala na ang lahat ng mga problema ng mga nanumbalik sa Dios.
Paggamit ng mga Panimulang Katanungan
Ang mga katanungan ay maaaring magamit upang magsimula ng isang pag-uusap, at pagkatapos ay magbubukas ang isang pag-uusap upang maibahagi ang ebanghelyo.
Ang pinakamadaling tanong ay ang pagtatanong lamang ng “Ikaw ba ay isang Kristiyano?” Karamihan sa mga tao ay hindi nasasaktan sa tanong. Kung sabihin ng isang tao na, “Hindi,” maaari mong itanong, “Maaari ko bang sabihin sayo ang tungkol sa sinasabi ng Biblia kung paano nagiging isang Kristiyano ang isang tao?”
Kung sabihin ng isang tao na, “Oo, ako ay isang Kristiyano,” maaari mong sabihin na, “iyan ay napakabuti. Paano ka naging Kristiyano?” Kung mali ang kanyang sagot o tila nalilito, maaari kang mag-alok upang ipaliwanag kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kung paano ang isang tao ay nagiging Kristiyano.
Ang mga katanungan sa seksyon sa itaas ay maaaring mgamit bilang ibang pamamaraan ng pambungad na katanungan sa pag-uusap. Sa baba ay may ilan pang mga katanungan.
“Ano sa palagay mo ang layunin ng buhay?” Hayaan siyang magbigay ng kanyang opinyon. Sumang-ayon sa anumang mabuti sa kanyang mga pahayag. Pagkatapos ay sabihin na, “Ang pinakamahalagang bahagi ng layunin ng ating buhay ay makilala ang Dios. Idinesenyo Niya na mamuhay tayo ng may kaugnayan sa kanya. Maaari ko bang ipakita sayo ang tungkol sa sinasabi ng Biblia kung paano magkaroon ng kaugnayan sa Dios?”
“Ano sa palagay mo ang susi upang magkaroon ng kaligayahan?” Anuman ang kanilang imungkahi, Maaari mong sabihin na, “Maraming tao na mayroon niyan ay parang hindi nagiging masaya ng matagal. Sinasabi sa atin ng Biblia na ang kaligayahan ay nagmumula sa Dios (Awit 16:11). Maaari ko bang ipakita ang isang pagguhit na naglalarawan kung paano nagkakaroon ang isang tao ng kaugnayan sa Dios?”
“Naniniwala ka ba sa buhaypagkatapos ng kamatayan? Ano sa palagay mo ang katulad nito?” Pagkatapos ay maaari mong sabihin na, “Sinasabi sa atin ng Biblia na ang bawat tao ay mapupunta sa langit o kaya naman ay sa impiyerno. Maaari ko bang ipakita sayo ang tungkol sinasabi ng Biblia kung paano makakarating sa langit?”
“Ano sa palagay mo ang pangunahing mensahe ng Biblia?” Nagbibigay ito sayo ng pagkakataon na ipakita ang ginuguhit na larawan mula sa leksiyon 9.
► May gumamit na ba sa inyo ng pamamaraan na kagaya nito? Paano ito gumana?
Hindi lahat ng miyembro ng klase ay magiging komportable sa bawat pamamaraan na inilalarawan sa leksiyong ito. Posible na ang isang pamamaraan ay maaaring hindi angkop sa bawat kultura.
Ang layunin ng leksiyong ito ay upang matulungan ang mag-aaral na makahanap ng isang paraan upang masmapaghusay ang kanyang sariling pamamaraan.
Takdang Aralin
Habang nagpapatuloy ka sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa linggong ito, subukan ang ilan sa mga pambungad na tanong o magbuo ng iyong sariling pambungad na tanong.Obserbahan kung paano ito gumagana at magsulat ng isang talata na naglalarawan ng iyong karanasan. Maging handa na ibahagi ang iyong karanasan sa susunod na sesyon ng klase.
Paalala sa Tagapanguna ng Klase
Ang susunod na leksiyon ay may kasamang mga gabay para sa pagbabahagi ng mga tracts ng ebanghelyo. Kailangang malaman ng mga mag-aaral kung saan kukuha ng ilang mga tracts para sa pamamahagi. Kung maaari, magdala ng isang supply sa susunod na sesyon ng klase.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.